
ISABELA (Mindanao Examiner / Dec. 11, 2012) – Isinisisi ngayon sa kapabayaan ng namamahala sa Rizal Park sa bayan ng Naguilian ang pagkamatay ng isang Grade 5 pupil matapos na makuryente sa kanyang pagbibisikleta.
Kinilala ng pulisya ang biktimang na si Joel Ontario, ng Naguilian Central School at residente sa Quezon ng naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nagbibisikleta ang biktima nang matumba at mahawakan nto ang bukas na junction box ng isang lamp post sa Rizal Park.
Sa lakas ng boltahe na dumaloy sa kanyang katawan ay agad itong nangisay at nalagutan ng hinga. Hindi pa mabatid kung maghahain ng demanda ang pamilya ng bata na hanggang ngayon ay labis pa ang pagdadalamhati sa pagkawala ni Joel.
Walang ibinigay na pahayag ang pamnuan ng Rizal Park. (Francis Soriano)