
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Dec. 3, 2012) – Todo ang pagbabantay ng mga kinauukulan sa Caraga region dahil sa inaasahang pagragasa ng bagyong Pablo (International code name Bopha).
Posibleng mahagip ng bagyo ang mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigal de Norte at Surigao del Sur, gayun rin ang isla ng Dinagat.
Suspendido na rin ang ibang mga klase sa lalawigan na ngayon ay nasa ilalim na ng Storm Warning Signal 3.
Naglabas na rin ng kautusan ang Philippine Coast Guard na bawal ng maglayag sa karagatan dahil sa paparating na bagyo.
At pinag-payuhan na rin ng weather bureau at pamahalaang lokal ang mga residente na nakatira sa tabing-ilog at baybayin dagat, gayun rin sa paanan ng bundok na lumikas na bago pa man humagupit ang bagyo.
Sa Cagayan de Oro at Iligan cities ay nakahanda na rin ang mga rescue at quick reaction teams ng pamahalaang lokal at militar, gayun rin ang pulisya at nga civic group. Ayaw na umanong maulit ng dalawang lugar ang sinapit mula sa bagyong Sendong na kung saan ay marami ang nasawi dahil sa flash floods at pag-apaw ng mga ilog sa naturang lugar. (Mindanao Examiner)