Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • National
  • Pag-IBIG Home Equity Appreciation Loan: Dagdag Pondo para sa Housing Loan Borrowers
  • National

Pag-IBIG Home Equity Appreciation Loan: Dagdag Pondo para sa Housing Loan Borrowers

Editor April 30, 2025
PagIBIG-2025

MAS PINADALI at lalong mas abot-kaya ang pag-avail ng dagdag na pondo para sa mga miyembro ng Pag-IBIG na may housing loan, sa tulong ng Home Equity Appreciation Loan o Pag-IBIG HEAL. Ito ay isa sa mga loan programs ng Pag-IBIG Fund na nagbibigay sa mga kwalipikadong housing loan borrowers na magamit ang halaga ng kanilang property upang makakuha ng pondo para sa pagpaparenovate ng bahay o pagtugon sa iba pang mahahalagang gastusin.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, ang Pag-IBIG HEAL ay isang praktikal at abot-kayang solusyon para sa mga Pag-IBIG Housing Loan Borrowers. “Habang tumataas ang halaga ng kanilang tahanan, maaari nilang magamit ito at mapagkunan ng pondo para sa mahahalagang pangangailangan,” ani Acosta. Idinagdag pa niya, “Nauunawaan naming hindi natatapos sa unang housing loan ang pangangailangang pinansyal ng aming mga miyembro. Sa pamamagitan ng Pag-IBIG HEAL, mayroon silang madali at abot-kayang paraan upang makakuha ng karagdagang pondo na maaari nilang gamitin sa pagpapaganda ng kanilang tahanan, pagharap sa gastusin ng pamilya, o pagtugon sa iba pang obligasyong pinansyal.”

Bukas ang Pag-IBIG HEAL para sa mga Pag-IBIG Housing Loan borrowers na may accounts na hindi bababa sa limang taon. Sila ay dapat in good standing, at dapat ay updated ang pagbabayad sa loob ng nakaraang labindalawang buwan. Dapat ding aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund, hindi lalampas sa 65 taong gulang, at may kakayahang bayaran ang kanilang karagdagang loan.

Maaaring makahiram ng hanggang anim na milyong piso (Php 6 milyon) ang isang kwalipikadong housing loan borrower, mula sa Pag-IBIG HEAL, na nakabatay naman sa kanyang kakayahang magbayad o sa netong halaga base sa 60% ng latest appraised value ng property ng borrower na nabili sa tulong ng Pag-IBIG Housing Loan at balanse ng nasabing loan. Para sa karagdagang impormasyon at para makapag-apply sa Pag-IBIG HEAL, maaaring bumisita sa alinmang sangay ng Pag-IBIG Fund o i-click ang link na ito: https://www.pagibigfund.gov.ph/ItsTimetoHEAL/. (PR)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Over 216K jobs up for grabs on May 1
Next: BingoPlus sponsors Miss Universe Philippines 2025 preliminary round

Related News

PagIBIG-Housing-Loan
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

Editor May 22, 2025
DMW-logo
  • National

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

Editor May 20, 2025
TPB2
  • Business
  • National

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

Editor May 20, 2025

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.