
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 18, 2012) – Mistulang walang paki-alam sa mundo ang traffic enforcer na ito ng Zamboanga City Government dahil kahit walang suot na helmet ang angkas ay dedma lamang ito sa mga mapanuring mata ng publiko.
Maging ang parak na nagmamando sa trapiko ay nagmistulang bulag sa nakitang paglabag nitong traffic aide.
Isang paglabag sa batas ang hindi pag gamit ng helmet sa Zamboanga City dahil sa ‘helmet law’ na ipinatutupad ng Land Transportation Office at ng lokal na pamahalaan.
Malimit na makita sa Zamboanga City ang mga traffic enforcer at parak na lumalabag sa batas-trapiko at kung kaya’t kaliwa’t-kanan ang batikos sa kanila ng publiko at mga motoristang.
At kahit na may paglabag ang mga traffic enforcerl ay dedma rin ang pamahalaang lokal sa mga reklamo laban sa kanilang mga tauhan.
Umaabot sa P1,500 ang bayad sa mga motorcycle rider na mahuhuling walang suot na helmet, ayon kay LTO regional director Aminola Abaton.
At ngayon Enero ay lalo pang paiigtingin ng LTO ang kampanya laban sa mga motorcycle riders na walang helmet hindi lamang sa Zamboanga, ngunit sa buong Western Mindanao.
Talamak rin sa Zambianga ang mga bumibiyaheng mga jeep at mini-bus na overloaded at maging sa bubungan ay puno pa rin ng pasahero, ngunit mistulang bulag naman ang mga awtoridad at pinapabayaan lamang ang mga ito na manatili sa kalsada. (Mindanao Examiner )