
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Oct. 1, 2012) – Niyanig ng malakas na lindol ang Zamboanga City kahapon, ngunit walang inulat na sugatan o damage sa mga gusali.
Naramdaman ang lindol dakong 2.30 ng hapon sa sentro mismo ng naturang lungsod. “Malakas yun lindol at yumanig yun building na kung saan ay nagtatrabaho kami,” ani Greg Leano, isang editor ng video production company, na nasa ikatlong palapag ng Fairland Building sa kahabaaan ng Nunez Extension.
Nagtagal lamang ang lindol ng halos 2 segundo, ngunit sa lakas nito ay ikinatakot rin ito ng iba sa naturang gusali.
Sinabi naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ang sentro ng lindol ay natunton sa bayan ng Sergio Osmena. May lakas na 5.4 magnitude ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.
Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na “Pacific ring of fire” na kung saan ay nasa ilalim ng karagatan ng bansa ang napakaraming mga bulkan na isang dahil sa patuloy na pagyanig sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao, Luzon at Visayas. (Mindanao Examiner)