Sinabi ni Coast Guard Lt. Ludovico Librilla na ang balyena ay natagpuan halos 1.5 milya lamang ang layo mula sa baybayin. Itinimbre umano ng mga mangingisda sa mga awtoridad ang pagkakadiskubre sa balyena.
Ayon naman kay Lt. Commandet Eliezer Dalnay, ang hepe ng Coast Guard sa Zamboanga City, ay umabot sa 22 metro ang haba ng balyena, ngunit hindi pa mabatid kung ano ang ikinamatay nito at kung ilan araw na itong nakalutang sa dagat.
Ngunit naunang tumanggap ng ulat ang Coast Guard na may nabangga na malaking “isda” ang isang maliit na barko sa naturang lugar nuong nakaraang Biyernes, subali’t hindi pa matiyak kung ito ay balyena o hindi.
Ang sperm whale (Physeter macrocephalus) ay isang mammal at hindi uri ng isda. (Ely Dumaboc)