
Ayon sa ilang mga nakapanayam ng Mindanao Examiner ay nagbibigay umano ng 31% hanggang 50% tubo sa loob lamang ng dalawang lingo sa lahat ng kapital ng bawat isang investor ang nasa likod ng naturang trading na nagsimula ngayon taon.
“Malaki ang interest at sa katunayan ay nakuha ko nga nga yun kapital kong P5,000 at ngayon ay may P31,000 pondo pa akong naiwan at nasa investment pa rin ito at patuloy pa rin na tumutubo ang interests,” ani Eli Umabo na ilang lingo pa lamang nagsimula sa nasabing investment trading.
“Marami ang nag-invest at pati mga pulitiko at ordinaryong tao, yan mga tricycle drivers, ay talagang may mga inilagay na kapital sa trading dito sa Pagadian. At ang sabi nila ay sa overseas raw ini-invest ang kapital kaya malaki raw ang interest nito,” dagdag pa ni Umabo sa isang panayam.
Nabigyan rin umano ng permiso mula sa tanggapan ng Office of the City Mayor ang naturang kumpanya, ngunit hindi naman matiyak agad kung nasa talaan ba ito ng Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenues.
“Marami ng yumaman at marami ang naging milyonaryo dito sa Pagadian City dahil sa investment trading na yan. Maraming pera ang mga tao ngayon dito at lalong dumarami ang mga bagong nagiinvest kasi malaki ang tubo ng pera,” wika naman ni Rick Santiago, ngunit hindi naman nito sinabi kung may inilagak siyang salapi sa nasabing investment.
Ang naturang modus operandi ng kumpanya ay hikayatin ang mga nais na maglagay ng pera sa overseas trading at patubuan ito ng malaking porsyento. Ngunit halos kapareho nito ang binansagang “Ponzi scheme,” isang scam na pumutok nuong 1920s at ginaya ng mga sindikato mula sa ibat-ibang bansa na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin.
Ang investment trading sa Pagadian ay halos kapareho diumano ng Ponzi scheme at ang malaking tubo na ibinibigay sa mga investors ay galing rin sa salapi ng mga bago o ibang investors.
At hanggang may mga investors ay patuloy ang pasok ng salapi, subali’t kailangan ay mas maraming mga bagong investors ang papasok upang masigurong hindi kukulangin sa pondo ang kumpanya para maibayad sa malaking halaga ng interest.
Ang Ponzi scheme ay hango sa pangalan ni Charles Ponzi, ayon sa Wikipedia. “The scheme is named after Charles Ponzi, who became notorious for using the technique in 1920. His operation took in so much money that it was the first to become known throughout the United States. Ponzi’s original scheme was based on the arbitrage of international reply coupons for postage stamps; however, he soon diverted investors’ money to make payments to earlier investors and himself,” paliwanag pa ng online encyclopaedia.
Ayon pa sa Wikipedia: “A Ponzi scheme is a fraudulent investment operation that pays returns to its investors from their own money or the money paid by subsequent investors, rather than from profit earned by the individual or organization running the operation. The Ponzi scheme usually entices new investors by offering higher returns than other investments, in the form of short-term returns that are either abnormally high or unusually consistent. Perpetuation of the high returns requires an ever-increasing flow of money from new investors to keep the scheme going.”
“The system is destined to collapse because the earnings, if any, are less than the payments to investors. Usually, the scheme is interrupted by legal authorities before it collapses because a Ponzi scheme is suspected or because the promoter is selling unregistered securities. As more investors become involved, the likelihood of the scheme coming to the attention of authorities increases.”
Hindi rin mabatid kung alam ba ng mga awtoridad ang ukol sa investment trading sa Pagadian City at kung ito ba ay legal. (Mindanao Examiner)