
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Sept. 5, 2012) – Daan-daang mga kabahayan ang nawasak dahil sa malakas na lindol na tumama sa lalawigan ng Misamis Oriental sa northern Mindanao.
Ayon sa mga ulat ay nahagip ang Cagayan de Oro City at ang Valencia City sa Bukidnon at naitala ang lakas ng pagyanig sa 5.6 Magnitude.
Hindi agad mabatid kung may nasawi at nasaktan sa paglindol na tumama kamakalawa ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Nitong buwan lamang ay isang ginang na si Emelita Ubalde, 50, ang nasawi at isang bata naman ang sugatan sa landslide na naganap sa Cagayan de Oro City rin matapos ng isang malakas na lindol sa Samar province sa Visayas.
Umabot sa 7.7 Magnitude ang lindol na tumama sa bayan ng Guiuan sa Samar nuong nakaraang lingo at naramdaman ito hanggang sa Mindanao.
Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na “Pacific ring of fire” na kung saan ay nasa ilalim ng karagatan ng bansa ang napakaraming mga bulkan na isang dahil sa patuloy na pagyanig sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao, Luzon at Visayas. (Mindanao Examiner)