
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 29, 2012) – Matapos na umani ng kata-katakot na batikos ay tinanggal na rin ng free online ad portal na “wahoy.com” ang inilagay nitong compulsary “ad click” bago makapasok ang mga users nito sa kanyang main page.
Nadismaya ang maraming miyembro ng free online ad site sa Zamboanga City dahil sa sapilitang “ad click” sa mga advertisements nito sa front page bago payagan na makapasok ang mga registered at non-registered users sa main page ng nasabing website.
Ang mabilis na aksyon ng wahoy.com ay matapos na lumabas sa Mindanao Examiner ang naturang balita. Humingi ng tulong sa pahayagan ang ilang mga miyembro nito upang mabigyan ito ng kaukulang pansin.
Nauna na rin mag-reklamo ang maraming mga miyembro nito sa matinding “pop ads” na palaging bumubulaga sa mga users ng wahoy.com at tadtad pa ito ng mga “adware” o advertising software at possible pati “malware” o malicious software na nakaka-infect sa mga computers.
Noon ay tinanggal rin ng wahoy.com ang mga paglalagay ng larawan ng mga ibinibenta doon sa hindi pa mabatid na kadahilanan.
Dahil sa pahirapan sa wahoy.com ay maraming mga users ng wahoy.com ang lumipat na lamang sa “sulit.com.ph” at iba pang mga free online advertisement portal para sa kanilang mga ibinibenta o binibili sa Internet, at maging sa Facebook group page na “Buy and Sell Zamboanga” at “Zamboanga Online Shopping.”
At gayun rin ang “Zamboanga City Online Negosyo,” “Online Business and Earning Opportunities,” at “Shopper’s Corner,” at ang “Job Vacancies in Zamboanga City” na pawing mga accessible sa Internet at walang mga “ad click.” (Mindanao Examiner)