
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / July 29, 2012) – Dalawang lindol ang yumanig ngayon araw ng Linggo sa Mindanao, ngunit wala naman agarang ulat na nagsasabing may nasawi o nasaktan, o nasirang gusali sa nasabing rehiyon.
Unang nahagip ng 5.0 magnitude ang bayan ng Cateel sa Davao Oriental dakong alas 11.04 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay tectonic ang pinagmulan ng lindol at tinatayang may 40 kilometro ang lalim nito sa lupa.
Sinundan naman ito ng 4.2 magnitude na pagyanig sa bayan naman ng Don Marcelino sa katabing lalawigan ng Davao del Sur dakong 11.27 ng umaga.
Sinabi ng ahensya na tectonic rin ang dahilan nito halos 99 kilometro ang lalim ng pinagmulan nito.
Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na “Pacific ring of fire” na kung saan ay nasa ilalim ng karagatan ng bansa ang napakaraming mga bulkan na isang dahilan sa patuloy na pagyanig sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao, Luzon at Visayas. (Mindanao Examiner)