
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / July 25, 2012) – Binatikos kahapon ng grupong Bayan Muna ang kabiguan ng Aquino administration na mapatawan ng parusa si dating Pangulo at ngayon Congresswoman Gloria Arroyo matapos itong maglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Binansagan naman ni Atty. Carlos Zarate, ang vice president for Mindanao ng Bayan Muna, na mahina ang pamahalaan sa paghahabol sa mga umano’y kasalanan ni Arroyo na ngayon ay nahaharap sa kasong plunder, bukod sa iba pang mga kaso.
“With the granting of bail to Gloria Macapagal Arroyo on the 2007 electoral sabotage, it is only frustrating as this shows the Aquino administration’s weak resolve to prosecute the hated president for her crimes against the people,” ani Zarate sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.
Inaasahan naman ng Bayan Muna na mabibigyan ng piyansa ng korte si Arroyo dahil sa mahina umano ang kaso na isinampa ng pamahalaan.
“The grant of bail was expected, given that the case of electoral sabotage is weak in substance and this was filed to appear that Noynoy Aquino is running after GMA. If the Aquino government is serious in holding GMA and her cohorts accountable for the crimes against the people, it should have pursued more serious non-bailable cases against GMA. This include the plunder and grafted cases Bayan Muna filed against GMA on the NBN-ZTE deal and the malversation of the funds of the Philippine Charity Sweepstakes Office,” wika pa ni Zarate.
Tututukan naman ng Bayan Muna ang nasabing mga kaso at hinimok ang pamahalaan na gawin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang mga nagging biktima ng kabuktutan nuong nakaraang administrasyon. (Mindanao Examiner)