
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / July 15, 2012) – Sa kabila ng bagong executive order sa mining industry na inilabas ni Pangulong Benigno Aquino ay nananatiling matatag ang katayuan ng South Cotabato sa pagbabawal nito sa open-pit mining ng Tampakan project ng Xstrata sa lalawigan.
Sa executive ni Aquino ay nakasaad na mangingibabaw ang national laws kaysa mga panukala o ordinansa ng mga local government units, subali’t maiinit pa rin ang pagpupumilit ng Xstrata na maipatupad ang kanilang Tampakan project.
Sinabi ni South Cotabato Gov. Arthur Pingoy na ang kanilang ordinansa pa rin ang mananaig at maaring idulog sa korte ang naturang kaso. Tinatayang nasa halos $6 ang pondong inilaan ng kumpanya sa mining project sa lalawigan.
Inaayawan ng lalawigan ang open-pit mining dahil umano sa polusyon at peligrong dala nito sa kalikasan at mamamayan sa South Cotabato. Suportado rin ito ng mga alkalde ng ibat-ibang bayan at maging ng mga enviromentalist groups.
Ang Sagittarius Mines, Inc., ang lokal na subsidiary ng Xstrata joint venture. (Mindanao Examiner)