
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / July 8, 2012) – Bahagyang nilindol ang Zamboanga City kaninang umaga, ngunit halos hindi ito naramdaman ng mga iba.
Bagamat may kalakasan ng kaunti ang pagyanig ay hindi naman ito nagtagal. Kabilang ang bansa sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire” dahil sa nagkalat na mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
Naitala dakong alas 9.04 ng umaga sa 3.3 ang magnitude ng lindol at tectonic ang dahilan nito, ngunit 15 kilometro lamang ang lalim nito sa lupa, ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Walang inulat na nasaktan sa nasabing lindol, ngunit malimit ang pagyanig sa Mindanao sa mga nakalipas na taon. Ilang beses na rin nagbigay ng paalala ang mga awtoridad sa kung ano ang dapit gawin sa tuwing may lindol o pagyanig.
Kamakailan lamang ay isang earthquake drill ang isinagawa na mga ibat-ibang paaralan sa Mindanao bilang paghahanda sa mga estudyante at kung ano ang dapat nilang gawin kung may pagyanig. (Mindanao Examiner)