
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 23, 2012) – Dumarami na ang mga batang namamalinos sa kalsada ng Zamboanga City at karamihan sa mga ito ay lulong rin sa rugby.
Halos kalat sa downtown Zamboanga ang mga bata at kung saan-saan sulok sumisingot ng rugby ang mga ito. Ang iba ay nanghaharang pa ng mga naglalakad na mamimili upang pilitin silang magbigay ng mga barya.
Hinahablot rin ng mga ito ang mga dalang pagkain ng estudyante at sabit rin sa mga snatching at iba pang nakawan sa Zamboanga City.
Iginigiit naman ng City Hall na patuloy ang kampanya nito upang maligpit ang mga bata sa kalye, ngunit madalas rin diumano na tumatakas ang mga ito mula sa mga awtoridad. (Mindanao Examiner)