
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / June 22, 2012) – Patay ang isang barangay chairwoman matapos itong tambangan sa labas ng kanyang bahay ng mga di-kilalang armado sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur province sa Western Mindanao.
Sa ulat ng pulisya ay kinilala ang biktima na si Evelyn Covarrubias ng Barangay Banale at nasa huling termino na umano ito. Tinira umano ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo si Covarrubias nitong Huwebes ng gabi.
Hindi pa mabatid ang motibo ng krimen at kung may kinalaman ba ito sa pulitika.Wala rin binanggit ang pamilya ng biktima kung may natanggap na death threats ang opisyal.
Nagsasagawa na malalim na imbestigasyon ang pulisya ukol sa pagpatay. Hindi naman agad makunan ng pahayag si Mayor Sammy Co ukol sa talamak na patayan sa Pagadian City. (Mindanao Examiner)