
DAVAO CITY (Mindanaoi Examiner / June 11, 2012) – Isang barangay sa Davao City ang nadale kahapon ng landslide at ayon sa mga awtoridad ay isang menor-de-edad ang nasawi at isa pa ang nawawala at posibleng natabunan ito.
Naganap ang landslide pasado alas 2 ng madaling araw sa Sitio Ladian na sakop naman ng Barangay Marilog, mahigit na 50 kilometro ang layo sa sentro ng Davao. Maraming pamilya rin ang naapektuhan ng landslide.
Ilang ulit na rin nasabihan ng Department of Environment and Natural Resources ang mga residente sa lugar na lumikas dahil landslide-prone ang naturang barangay, ngunit dedma lamang umano ang mga ito sa nakaambang panganib.
Sinabi naman ni Mayor Sarah Carpio na bibigyan nito ng sapat na tulong ang mga biktima ng landslide, partikular ang pamilya ng nasawi. (Mindanao Examiner)