
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / May 10, 2012) – Patuloy na umaani ng maraming batikos ang Philippine Daily Inquirer caption sa larawan ng isang babaeng Muslim na nakikipagkamay kay Pangulong Benigno Aquino sa Malakanyang dahil sa katagang “Security Risk?” at kinondena ng mga ibat-ibang Moro groups.
Pinalalabas na maaaring malagay sa malaking panganib ang Pangulo dahil sa pagtanggap nito sa naturang babae na balot ang sarili sa burqa – ang tradisyonal na kasuutan ng mga babaeng Muslim.
“SECURITY RISK? President Aquino greets a Muslim woman wrapped in a burka and and niqab during the oath-taking of officers in charge of the ARMM Regional Legislative Assembly held in Malacañang on Tuesday (May 8). The unidentified woman is reportedly a relative of one of the officers,” ayon pa sa caption ng larawan.
Kaliwa’t-kanan ang pagkondena ng mga Muslim at ibat-ibang grupo sa naturang caption, ngunit hindi naman agad nagbigay ng paliwanag ang nasabing pahayagan sa naturang tagging sa babae.
Maging sa social media na Facebook ay sari-saring mga komento ang mababasa ukol sa naging desisyon ng PDI na ilabas ang nasabing caption na umano’y malaking insulto hindi lamang sa mga Muslim sa bansa, ngunit sa buong mundo.
Sinabi naman ni Jun Datu-Ramos, Director ng Bureau of External Relations ng National Commission on Muslim Filipinos, na dapat umanong mag-apologize ang PDI.
“The Muslim Moros demand apology from the unfair caption of the PDI,” ani pa nito sa kanyang Facebook account.
“The Muslim minority in the country and the objective readers of the prestigious PDI are disturbed and hurt with this blatantly bigoted caption. Such labeling of a Muslim woman, wearing such kind of religious fit, can put the Muslims again in the bad light.”
“There is a clear discrimination in that unfair byline. The PDI, as a fair and truthful newspaper in the country, should put everything in the right perspective. The photograph with the caption only aggravates the bad and biased perception against the besmirched Muslim populace,” ani ng opisyal.
Maging ang paghawak ni Pangulong Aquino sa kamay ng babae ay naging isyu rin dahil hindi ito pinahihintulutan sa Islam maliban na lamang kung ang lalaki ay asawa o kaanak ng babae.
“The burqa woman shouldn’t have allowed herself to submit to a handshake with a stranger even if he is the president. It’s an ethical no-no in Islamic adab, decorum. Both sides are at fault here. We know that most national dailies are into “bad-news-sells” syndrome. PDI thinks Muslims are bad news, as usual,” ani naman ng batikang Moro historian na si Norodin Alonto Lucman sa Facebook page ng ARMM Watch.
Dahil sa naturang caption ay nabunton rin sa media ang galit ng maraming mga Moro. (Mindanao Examiner)