
Ang mapa na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na kung saan ay nagkaroon ng lindol sa Davao Oriental.
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 4, 2012) – Nilindol kahapong ng madaling araw ang lalawigan ng Davao Oriental sa Mindanao at ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) ay may lakas na 4.1 magnitude sa Richter scale ang pagyanig.
Wala naman inulat na pinsala sa lalawigan. Natunton ang sentro ng lindol sa lungsod nfg Mati.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol o ang paggalaw ng mga plates sa ilalim ng lupa ang dahilan nito.
Kamakalaw lamang ay niyanig rin ng lindol ang Surigao del Sur at may lakas ito na 4.5 sa Richter scale at naramdaman sa lungsod ng Bislig, Butuan at bayan ng Lingig.
Tectonic rin ang dahilan nito, ayon pa sa PHILVOCS. (Mindanao Examiner)