
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Mar. 7, 2012) – Nakatakda na umano ang isa sa pinakamalaking training exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa Sarangani province na kung saan ay magsasanay ang mga navies ng dalawang bansa.
Inanunsyo ng pamahalaan ng Sarangani na isasagawa sa bayan ng Glan sa Hunyo 28-Hulyo 9 ang exercise na may codename na “CARAT 2012” o “Cooperation Afloat Readiness and Training Exercise 2012.
Layunin umano nito na mapagtibay ang kakayahan at pakikipagtulungan ng dalawang bansa. Magsasagawa rin ng medical at dental outreach program ang mga sundalong Kano at Pinoy, bukod pa sa kanilang engineering civic action program at community relations sa ilang mga piling barangay.
“Through these programs we hope to improve the quality of life and the general health and welfare of local residents, including government employees, and enable both navies to build a more personal relationship with them,” ani pa ni Lt. Joseph Armand Sieras, operations officer ng Naval Forces Eastern Mindanao, kay Glan Mayor Victor James Yap, Sr. sa isang briefing ng militar.
Inaasahan naman na magiging mahigpit ang seguridad sa dalawang linggong war exercise dahil sa banta ng mga rebeldeng New People’s Army na ilang ulit ng nagbenta laban sa mga Kano sa Mindanao at ibang bahagi ng bansa.
Inakusahan na rin ng Communist party of the Philippines (CPP) ang mga Kano ng paglalahok sa “Oplan Bayanihan” operations ng militar sa bansa at kamakailan lamang ay kasama rin umano ang mga tropa ng Estados Unidos sa “Operation Pacific Angel 12-1” sa Bicol.
“The increasing direct participation of the US military in Oplan Bayanihan is an outright violation of Philippine national sovereignty and shows the contempt of the US imperialists for the Filipino’s claim to national freedom,” ani pa ng CPP. “US embassy and military officials are going to portray Operation Pacific Angel 12-1 as a humanitarian mission in order to make the presence of American troops palatable to the Filipino people.” (Mindanao Examiner)