
DAPITAN CITY – Isang lola sa Dapitan City sa Zamboanga del Norte ang nagbigti sa hindi pa mabatid na kadahilanan, ngunit sinabi ng pulisya na walang nakitang foul play sa trahedyang sinapit ng matanda.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Remedios Calunsag, 72, at natagpuan itong nakabitay sa kisame ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Barangay Antipolo kamakalawa ng umaga.
Sa pahayag ng asawang si Samuel Calunsag, 79, ay sinabi nitong nasa kusina siya ng magpatiwakal ang kabiyak.
Galing umano ito sa kusina at nagpunta ito sa kuwarto upang ayain na mag-almusal ang asawa, ngunit nagimbal umano siya ng makita itong nakabitay. Agad umano niyang pinutol ang lubid na nakapalupot sa leeg ng matanda, ngunit wala na itong buhay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa tatlong metro lamang ang taas ng kisame mula sa sahig. “Post-mortem examination conducted disclosed that the victim died due to asphyxia by strangulation secondary to hanging and no foul play found,” wika ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman.
Hindi agad mabatid, ani Samuddin, kung ano ang nagtulak sa matanda upang kitilin ang sariling buhay. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net