Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Anti-US sentiment lumalakas sa Mindanao
  • Uncategorized

Anti-US sentiment lumalakas sa Mindanao

Editor January 28, 2012


Isang miyembro ng Joint Special Operations Task Force-Philippines sa  Zamboanga City ang nagbibigay ng broefing kay John McHugh, Secretary of the Army, nuong Hunyo 7, 2011 ukol sa paggamit ng unmanned aerial vehicles. (Photo Credit: Navy Mass Communication Specialist 1st Class Cassandra Thompson. URL: http://www.army.mil/media/200244 ) 

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 28, 2012) – Lumalakas ang sigaw ng mga aktibistang at leftist organizations kontra sa umano’y balak ng US na damihan ang mga tropa nito sa bansa bilang paniguridad sa Asya.
Maging ang mga rebeldeng Komunista ay pinaghahandaan na rin ang posibleng pagdagsa ng mga sundalong Kano sa Luzon at Mindanao na kung saan ay may mga base at puwersa ang US. Tinatayang nasa mahigit 600 ang mga sundalong Kano sa Mindanao mula pa nuong 2001.
“Isang malaking dagok ito sa soberinidad ng ating bansa dahil ang mga dayuhang puwersa tulad ng Estados Unidos ang siyang magdidikta sa kanilang kagustuhang,” ani Pol Atilano, isang aktibista.
Kinumpirma rin ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na nais rin ng US na magkaroon ng deployment ng mga spy planes sa bansa upang makapag-patrulya. Pagaaralan pa umano ng Malakanyang ang nasabing proposal ng US na mag-deploy ng mga spy planes.
Subali’t matagal ng gumagamit ang US forces ng mga spy planes at unmanned drone sa Mindanao.
Naunang ginamit ng US military ang Mactan Air Base sa Cebu upang doon itago ang maraming mga P3 Orion spy planes. At nasa Zamboanga City naman ang mga unmanned aerial vehicles na ginagamit kontra Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa kanatunayan ay ilang sa mga spy drone ang bumagsak sa Sulu at Maguindanao at nakuha ng mga sibilyan at MILF.
Pabor na pabor umano si Gazmin sa proposal ng US na magkaroon ng karagdagang tropa ang US sa bansa at deployment ng mga spy planes dahil proteksyon umano ito sa patuloy na paglaki ng puwersa ng China sa Spratly Islands na inaangkin rin ng Pinas at iba pang mga bansa sa Asya.
Subali’t ayon sa mga security analysts ay lalong magiging target ng mga terorista ang Pinas dahil sa pananatili ng mga Kano sa bansa. Ginagamit lamang umano ng US ang Pinas bilang pangontra sa puwersa ng China sa Asya, ngunit halos kakapiranggot naman ang nakukuhang tulong ng bansa mula sa US.
At ang masakit pa nito umano ay napipilitan ang Pinas na bumili ng mga lumang barko at air crafts sa US dahil sa kasunduan ng dalawang bansa – na sa halip ay dapat magbigay ng mga makabagong sandata at eroplano ang Amerika kapalit ng pananatili ng mga Kano sa Luzon, Visayas at Mindanao at ng kanilang mga interests, pati na rin sa oil exploration sa Sulu Sea. (Mindanao Examiner)
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 2 Filipino ‘green’ activists win case in Cebu
Next: TVI Pacific Inc. Advances Permit Approval for Near-Mine Property

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

JBL Unleashes Next-Level Audio in Davao JBL 1
  • Business
  • Technology

JBL Unleashes Next-Level Audio in Davao

June 6, 2025
PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market Mango1 2
  • Business
  • National

PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market

June 3, 2025
DOTr orders closure, raps vs. AirAsia Move over excessive air fares AirAsia-MOVE-app 3
  • National

DOTr orders closure, raps vs. AirAsia Move over excessive air fares

June 2, 2025
DOT assures Korean community of strengthened tourist safety measures Seo-In-Guk-&-Christina-Frasco 4
  • National
  • Tourism

DOT assures Korean community of strengthened tourist safety measures

June 2, 2025
SSS welcomes UnionDigital Bank President and CEO – talks about partnership opportunities for micro lending, for overseas Filipinos, and for transfer of technology uniondigital-bank 5
  • National

SSS welcomes UnionDigital Bank President and CEO – talks about partnership opportunities for micro lending, for overseas Filipinos, and for transfer of technology

June 2, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.