MANILA (Mindanao Examiner / Jan. 23, 2012) – Blangko pa rin ang mga awtoridad sa mga nasa likod at motibo ng malakas na pagsabog ngayon hapon sa financial district ng Makati City .
Walang naiulat na sugatan o nasawi sa pagsabog, ngunit maraming gusali naman ang nadamay ng tamaan ng shrapnel ang mga bintana nito sa Dela Costa Street .
Maging ang mga dayuhan na naninirahan sa mga condominium ay nabalot sa takot sa akalang umatake ang mga terorista. Naging mabagal rin umano ang pag-responde ng mga pulis sa lugar.
Aminado ang pulisya na wala pa itong suspek sa pagsabog, ngunit mabilis naman sinabi ng awtoridad na walang kinalaman ang terorismo sa insidente.
Hindi pa rin mabatid kung anong uri ng pampasabog ang ginamit ng mga salarin dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon at reconstruction ng mga fragments na nabawi sa lugar.
Sa isang bakanteng lote naganap ang pagsabog. (Mindanao Examiner)