DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Jan. 22, 2012) – Niyanig ng lindol ngayong Sabado ang lungsod ng General Santos City at lalawigan ng Davao del Sur sa Mindanao, ngunit wala naman inulat na pinsala ang pagyanig.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 5 sa Richter scale. Natunton ang sentro ng lindol halos 110 kilometro sa ilalim ng lupa.
Kabilang ang Pilipinas sa tinatawag na “Pacific ring of fire” na kung saan ay napapalibutan ang bansa ng mga undersea volcanoes na siyang madalas na dahilan ng paggalaw ng lupain. (Mindanao Examiner)