
Kinilala ni Pasay City Police Chief Superintendent Melchor Reyes ang biktima na si Nepz Bahjin na taga-bayan ng Patikul. Kauuwi lamang diumano ni Bahjin – na isang overseas worker sa Bahrain – nuong nakaraang Martes.
Ngunit blangko pa rin ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng pumatay sa babae.
Maaring pinaslang umano ito sa sakal dahil walang nakitang marka ng tama ng bala o saksak sa katawan ng biktima. Inaalam pa ng mga awtoridad kung pinagnakawan ba si Bahjin ng salarin.
Hindi naman sinabi ng pulisya kung nakita sa surveillance cameras ng airport ang paglabas ni Bahjin mula sa NAIA o kung sino ang sumalubong sa kanya. Mismong maleta ni Bahjin ang ginamit upang itago ang kanyang bangkay.
Dumating naman sa Maynila ang luhaang ama ng biktima na si Nidsmar Bahjin at halos hindi ito makapaniwala sa naganap sa kanyang anak at hustisya ang hinihingi nito. (Mindanao Examiner)