ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Dec. 2011) – Isang matanda ang nalunod at maraming pamilya ang na-apektuhan ng flash flood sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan dahil sa bagyong “Sendong” sa Zamboanga del Norte province.
Ilang mga barangay sa bayan ng Polanco at Dipolog City ang matinding binaha kung kaya’t napilitan magsilikas ang maraming mga pamilya at nakisukob sa mga paaralan.
Tinatayang halos 100 pamilya ang apektado sa kalamidad na dumaan lamang sa Western Mindanao. Isinailalim sa Storm Signal 1 at 2 ang maraming bahagi sa Mindanao dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
Nagsimula ang ulan kamakalawa pa at kanina ay unti-unti na rin bumababa ang tubig at inaasahan na makakabalik na ang mga residente sa kanilang lugar sa mga susunod na araw.
Sa Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur ay inulan rin ng husto ngunit wala naman inulat na casualties at gayun rin sa Zamboanga City. (Mindanao Examiner)