
TACURONG CITY – Halos burdado ng malalaking saksak ang tagiliran at likurang bahagi ng isang lalaki nang matagpuan ng mga rumespondeng parak sa bahagi ng Purok Masagana sa Barangay Upper Katungal dito.
Tinatayang naganap dakong 3 ng madaling araw nitong Oktubre 30 ang pamamaslang, ayon sa pulisya.
Dalawang saksak na malalaki at malalaim sa kanang kilikili, tatlo sa ibabang bahagi nito, dalawa sa may sikmura at dalawa sa likod ang tinamo ng biktima base sa resulta ng otopsiya sa bangkay na nakilalang si Bernie Calderon, 34, at nakatira sa Purok Masagana sa Barangay Upper Katungal dito.
Agad naman nasakote ng isang Barangay Tanod ang isang suspek na may mga bahid pa ng dugo at nakilalang si Marlon Apolonio, 19, at residente rin ng nasabing lugar.
Sa ibinahaging salaysay ng isang Rachel Evangelista, 21, sinundo umano siya ni Apolonio dakong 12:00 ng umaga ng nasabing petsa at bago tumuloy sa bahay ng biktima ay nadaan pa ang mga ito sa isang tindahan at bumili ng inumin.
Dagdag pa ng dalaga, nagitla na lamang siya nang ilabas ng biktima ang isang CD kung saan naroroon ang aniya ay “shabu” at inalok pa nito ang dalaga subalit kanyang tinanggihan at tila may pagnanasang hinimas ang bahagi ng batok nito.
Nahintakutan umano siya at mabilis na nag-text kay Apolonio na ihatid na lamang siya pauwi hangga’t tila naulinigan niya ang tila pagpu-pumilit ni Calderon na dalhin na sa kanyang kama ang babae at dito ay nag-dahilan itong lumabas kung saan sumunod umano si Apolonio at nagsabing “huwag kang matakot ‘te akong bahala” at mula sa naturan sa pagpasok nito sa kusina ay nakita umano ni Evangelista ang pagsukbit nito ang isang malaking kutsiyong nang makita ay gamit sa “pang-matada” ng hayop.
Dakong 2:00 na umano ng umaga nang magpasiya si Evangelista na umalis at naglakad palayo sa lugar hanggang sa makasakay sa isang tricycle kung saan siya ihinatid sa aniya ay kanyang tinutuluyang bahay at umaga na nang malaman niya na napatay ng suspek ang biktima dahil na rin sa text nito na tila nagsasabing tangka na nitong takasan ang pangyayari subalit bago pa ang naturan ay magtutungo ito sa kanyang lugar.
Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang suspek. (Rose Muneza)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net