
COTABATO CITY – Hawak ng mga awtoridad ngayon ang tatlong katao matapos silang mahulihan ng mahigit sa isang kilong shabu sa checkpoint sa Cotabato City.
Nadakip umano ang tatlo na sakay ng isang truck nitong Oktubre 20 ng gabi matapos na makatanggap ng impormasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency na may kargang droga ang sasakyan. Hindi pinangalanan ng PDEA ang mga suspek dahil may follow up operations pa ito.
Hindi naman sinabi ng PDEA kung saan galing at patungo ang naturang droga at patuloy ang imbestigasyon sa mga suspek. Nabatid na kabilang sa iniimbestigahan ay mag-asawa, subali’t walang impormasyon kung ang mga ito ba ay drug dealer or courier ng isang drug syndicate.
Kasama ang pulisya ng Cotabato sa naturang operasyon ng PDEA. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net