
ZAMBOANGA CITY – Nasawi ang isang lalaki matapos itong anurin sa ilog ng rumagasang tubig at malunod dahil sa walang humpay na buhos ng malakas na ulan sa Zamboanga City.
Nakilala ang biktima na si Romeo Aras, 21, at ayon sa mga kasamahan ay namumulot umano sila ng mga punong-kahoy kamakalawa ng umaga ng anurin ang biktima sa ilog sa Barangay Cawit ng biglang rumagasa ang tubig.
Tinanggka pa umano ni Aras na umiwas ngunit tuluyan itong inanod at mawala sa paningin ng mga kaibigan na sina Armando Miano, Rolando Miano and Jolito Tanudra.
Wala na rin nagawa ang tatlo upang iligtas si Aras dahil sa nakaambang peligro dulot ng flash flood. Natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa dulo ng ilog. Ilang beses ng nagbabala ang mga awtoridad sa mga residente na naninirahan sa tabi ng ilog na lumikas sa tuwing malakas ang ulan dahil sa flash flood. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.