
MANILA (Mindanao Examiner / Mar. 7, 2013) – Unti-unti na umanong nagkakawatak-watak ang Liberal Party (LP) coalition at ‘nilalangaw’ umano ang campaign sorties ng Team PNoy.
Ito ang sinabi kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) dahil sa mga senyales na naobserbahan nila tulad na kakaunting taong dumadalo sa kampanya ng Team PNoy at ang madalas na hindi pagsama ng mga senatorial candidates nito.
“Despite having the resources of the administration at its disposal, the LP coalition’s rallies fail to attract huge and enthusiastic crowds, even with the presence of President Aquino,” pahayag ni UNA secretary general and campaign manager Rep. Toby Tiangco.
Ani Tiangco, ang madalas umanong pag-absent ng mga senatorial candidates ng Team PNoy ang sakit ng ulo ngayon ng kanilang campaign manager na si Sen. Franklin Drilon.
“Even with the President attending, most of their candidates opt to skip their events,” ani Tiangco.
“In all sincerity, naaawa ako kay Sen. Drilon. His appeal to the candidates to attend their events has been ignored. This is the first time I’ve seen a campaign manager being ignored by his candidates,” dagdag pa nito.
Kung ‘nilalangaw’ umano ang kampanya ng Team PNoy, taliwas naman, aniya, ito sa UNA kung saan umabot sa 100,000 katao ang dumalo sa kanilang rally sa Bukidnon, Cagayan de Oro at Iligan City.
“Our events are welcomed enthusiastically by the people. We know that local officials have been warned by the LP and the DILG against hosting UNA events,” ani Tiangco.
Mariin namang pinasinungalingan ni Cong. Miro Quimbo, Team PNoy spokesman, ang pahayag ni Tiangco na nilalangaw ang kanilang mga political rally sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Hindi ‘yan totoo. Linawin po natin na sa simula pa lang ay sinabi na namin na ang mga sorties ng Team PNoy ay hindi paramihan ng tao kundi paramihan ng naabot na mga lugar. Ang dahilan rito ay karamihan sa mga kandidato nang nagsimula ang kampanya ay huli sa awareness o mas hindi kilala ng UNA. Kaya mas marami ang lugar na kailangang mapuntahan.
Ani Quimbo, “kung pagbabasehan namin ang survey, tama ang strategy namin dahil lamang ang Team PNoy”.
Aniya, wala sa dami ng tao ang halalan. Maliban dito, kakaunti lang umano ang sorties ng UNA. Ni hindi nangangahalati sa number of sorties ng Team PNoy.
Nauna rito, mistulang minaliit ng Team PNoy ang libu-libong katao na dumadalo sa campaign rally ng UNA bagay na hindi nararanasan ng kanilang grupo.
“Maganda, masarap sa pakiramdam (kung may dadalong 53,000 sa rally), pero hindi automatic na ma-translate into vote,” ani Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa ambush interview dito.
Sa katunayan, kaya lamang umano dinagdagsa ang rally ng UNA ay dahil kay dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada at hindi sa kanyang mga kandidato hindi umano tulad ni Aquino na kahit kokonti ang mga tao ay nahihila na niya pataas ang kanyang mga kandidato tulad nang lumabas sa pinakahuling survey ng SWS. (Nina Dindo Matining, Boyet Jadulco at Bernard Taguinod)
Link: http://www.abante.com.ph/issue/mar0713/news01.htm#.UTfYvCdTC3E