
ABRA (Mindanao Examiner / Dec. 11, 2012) – Habang sinusulat ang balitang ito ay nakakaranas pa rin ng total black out ang buong lalawigan ng Abra matapos tuluyan nang putulin and supply ng kuryente na tumadaloy sa Abra Electric Cooperative (ABRECO) sa pamamagitan ng supplier nitong Aboitiz simula pa ng tanghali nitong Martes.
Ayon sa ulat, dahil sa total black sa lalawigan ay nag-aagawan na umano ang ilang mga residente dahil sa nagkakaubusan na ng suplay ng kerosina sa ilang gas station at kandila naman sa mga tindahan na nararanasan hanggang ngayon sa halos 27 bayan nito.
Samantala, base sa panayam kay Ria Calleja, AVP – Corporate Branding and Communication ng Aboitiz Power ay may malaking pagkakautang ang nasabing electric cooperative na nagkakahalaga ng mahigit na 20 milyon piso at mahigit na 15 milyon piso pa sa security deposit sa Aboitiz kung kaya ito pinutulan ng supply ng kuyente makaraan magpadala ng disconnection notice ng ilang beses.
“As much as we want to contenue to provide electricity ABRECO for the benefit of the people of abra, the cooperative’s continued failure to settle their financial obligations could effect the sustainability of our operation and our capacity to serve the rest of out custumer in Luzon” ani APRI SVP-Corporate service Juan Alfonso sa pinadalang opisyal na pahayag. (Francis Soriano)