
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 25, 2013) – Kinumpirma na ni Basilan Vice Governor Al Rashid Sakalahul na nagbayad ng P4 milyon ransom ang pamilyang Pinoy ni Australian adventurer Warren Rodwell kapalit ang kalayaan nito.
Sinabi ni Sakalahul, na siyang naging negosyador sa paguusap sa pagitan ng pamilya at Abu Sayyaf, ay galing umano ang salapi kay Miraflor Gutang, 28, na siyang ibinigay ng babae at kapatid nitong si Roger bilang kabayaran sa paglaya ni Rodwell, 54, niutong Sabado ng madaling araw.
“It was Rodwell’s wife who really worked hard for this negotiation to succeed and they paid four million pesos to the kidnappers,” ani Sakalahul sa panayam ng Mindanao Examiner.
Hindi naman mabatid ni Sakalahul kung saan galing ang salapi at katunayan ay P7 milyon ang unang hiling ng Abu Sayyaf at ibinaba ito sa P6.5 milyon hanggang sa magkasundo sa P4 milyon.
“Mahirap talaga ang negosasyon pero sa awa ng Diyos ay nalagpasan rin natin ito at tayo ay nagtagumpay,” ani Sakalahul.
Sinabi pa ni Sakalahul na inamin niya ang pagbabayad ng ransom ni Gutang upang pawiin ang mga balitang nakinabang ito sa ransom.
“I don’t want to be accused by anyone that I benefitted from this negotiation that’s why I came with this admission. My only mission is to save the life of Rodwell by getting him out from the Abu Sayyaf,” wika pa ni Sakalahul.
he said.
Handa rin naman si Sakalahul na lumabas sa anumang imbestigasyon kung magpatawag ang pamahalaang Aquino o ang bansang Australia dahil may mahigit na no-ransom policy ang dalawang bansa.
“I am clean. My conscience is clean and I swear to God that I never benefited any single centavo from this negotiation, and even in the past where I also negotiated for the safe release of other kidnapped victims, I never got any money for my own. I cannot stomach dirty money and use this to feed my family and God is my witness,” sabi pa ni Sakalahul. (Mindanao Examiner)