
ZAMBOANGA CITY – Isang sundalo ng Philippine Air Force ang nasawi matapos itong masagi ng truck ng Philippine Army sa Zamboanga City.
Sinabi ng pulisya na nahaharap sa kaso si Sgt. Pasik Sisam, 26, dahil sa pagkamatay ni A2C Edmar Angeles, 24. Nahagip umano ni Sisam ang motorsiklo ng sundalo ni Angeles kung kaya’t nahulog at nabagok ang ulo nito sa kalsada.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima ngunit dead-on-arrival na ito. Naganap ang sakuna kamakalawa ng hapon sa Don Toribio Street sa Barangay Tetuan.
Si Angeles ay naka-destino sa Edwin Andrews Air Force at si Sisam ay sa Task Force Zamboanga naman. Sinabi ng pulisya na sumuko rin si Sisam matapos ng aksidente. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/