Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Alkalde, NPAs bumalik-loob sa Diyos dahil sa Jesus Miracle Crusade
  • Featured
  • National

Alkalde, NPAs bumalik-loob sa Diyos dahil sa Jesus Miracle Crusade

Desk Editor May 29, 2016

13219548_1303441966350358_1339047177_n 13227933_1303445706349984_1136277782_n 13234976_1307022009325687_124871819_o 13235981_1303441216350433_866289737_n 13239877_1311392555555299_1329148624530570709_n

Ang krusada ng Jesus Miracle Crusade sa northern Luzon na kung saan ay kabilang ang mag-asawang commander ng New People's Army na sina Ka Eloisa at Ka Lando.
Ang krusada ng Jesus Miracle Crusade sa northern Luzon na kung saan ay kabilang ang mag-asawang commander ng New People’s Army na sina Ka Eloisa at Ka Lando.

13242308_1307021762659045_1721096222_o 13245953_1303441799683708_883295838_n 13256355_1311291505565404_1604257856106802693_n 13262344_1307174722643749_1376036845_o

CAGAYAN PROVINCE – Mahigit 100 katao, marami sa kanila ay pawang mga miyembro at supporters ng rebeldeng New People’s Army at isang alkalde sa Isabela province, ang nanumbalik sa Panginoon matapos na isuko ang mga sarili sa kapangyarihan ng pananampalataya dala ng Jesus Miracle Crusade International Ministry.

Sinabi sa Mindanao Examiner ni Bro. Danny Cuarteros, ng JMCIM, na mismong si Alkalde Leticia Sebastian ng bayan ng Jones sa Isabela province, ang kabilang sa mga na-baptismohan kamakailan lamang. At nangakong susuportahan ang mga krusada ng JMCIM sa kanyang bayan na kung saan ay aktibo ang NPA. Matatandaang napatay ng di-kilalang salarin ang kapatid ni Sebastian na si Atty. Jesus Sebastian na dating alkalde ng Jones habang nasa flag ceremony sa munisipyo noon 2002.

Ayon pa kay Cuarteros, kabilang sa mga bumalik sa Diyos matapos na mahikayat ng JMCIM ay ang mag-asawang commander na sina Ka Eloisa at Ka Lando na nangakong paba-baptismohan ang mahigit sa 200 mga tauhan sa Marag Valley. Iniwan pa nina Ka Eloisa at Ka Lando ang kanilang mga armas habang nagpabaptismo sila.

“Victory in Jesus name through the leading prayer of our beloved and honorable Evangelist Pastor Wilde Estrada Almeda, the end-time prophet of God, at least 108 lost souls received water baptism in Jesus’ name mostly from Marag Valley together with Ka Eloisa and Ka Lando of the communist New People’s Army, who voluntarily surrendered to our dearest Lord Jesus,” ani Cuarteros.

Isinalaysay pa ni Cuarteros na pinasok nila ang Marag Valley at namudmod ng mga leaflets at flyers na kung saan ay sinasabing ang “Komunismo ay Satanismo” at ipinapakita ang isang duguang karit at martilyo na sumisimbolo umano sa “kamatayan.”

Nagkaroon pa umano ng milagro ang Diyos sa kasagsagan ng krusada at ng matapos na mabaptismohan si Ka Eloisa ay nagulat pa ito ng biglang luminaw ang paningin ng kanyang mga mata na matagal na nitong iniinda. Hindi makapaniwala si Ka Eloisa sa milagrong ipinamalas ng Panginoon sa pamamagitan ng dasal ng JMCIM at pananalig sa salita ng Diyos.

“Grabe ang kagalakan ni Ka Eloisa dahil natanggap po niya ang kagalingan ng kanyang mga mata dahil bago ang krusada at tunay na malabo daw yun kanyang paningin. Kaya dumalo siya sa krusada ng Jesus Miracle Crusade at nag-observed kung totoo yun nakasulat sa atin leaflets at glory to God, napatunayan niya na ang Diyos na ating pinaglingkuran ay totoo at buhay.”

“At ang sabi pa niya ay nakita daw niya kami noon sa Zinundungan Valley sa Rizal sa lugar ng mga NPA kaso ay hindi nila kaya kaming galawin kasi ibinunyag niya na kapag nakikita daw nila yun grupo ng Jesus Miracle Crusade ay kinikilabutan daw sila at natatakot kung kaya’y grabe ang pagkilos ng mahal na Panginoon sa krusada,” patotoo pa ni Cuarteros.

Naalala rin ni Cuarteros na isa si Ka Eloisa sa mga nabigyan ng leaflets sa Marag Valley at nagtanong pa kung bakit ang nakasulat sa mga ito ay “Kumunismo ay Satanismo” at kung ano ang ibig sabihin ng duguang karit at martilyo. Sinabi pa ni Cuarteros na ipinaliwanag nito kay Ka Eloisa at sa mga iba pang residente doon na ang ibig sabihin ng simbolong duguang karit at martilyo sa leaflets ay sapagkat “kumikitil ang mga rebelde ng buhay at kung kaya naging Satanismo ang Komunismo.”

Dahil sa krusada at sa paniniwala sa Panginoon, humingi ng maraming leaflets si Ka Eloisa at nangakong tutulong sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng JMCIM sa kanyang nasasakupan sa Marag Valley na kilalang kuta ng NPA.

“Nakiusap si Ka Eloisa na bigyan namin siya ng maraming leaflets at siya na ang magpapaliwanag sa mga kasamahan niya at mga residente sa kanyang lugar ukol sa mga salita at milagro ng Diyos. At nag-request pa sila na magdaos ng krusada ang JMCIM doon mismo sa Marag Valley ngayong June 9 at lahat po sila ay dadalo at magpapa-baptismo,” ani Cuarteros.

Nagsagawa rin ng krusada sa bayan ng Gonzaga noong May 26 na kung saan ay dumalo si Minister Jun Esguerra at asawang si Sister Rachel Almeda na panganay na anak ni Evangelist Wilde Estrada Almeda, ang founder ng Jesus Miracle Crusade International Ministry. May nagpabautismo na 140 katao at si Minister Jun Esguerra ang nagdala ng Salita ng Panginoong Hesus sa harap ng napakaraming dumalo sa Gonzaga People’s Gymnasium.

Isa rin ang nasabing bayan sa mga kuta ng NPA at noon 2014 ay napatay ng mga armadong nakasuot ng uniporme ng Philippine Army si Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes Jr. at dalawang security escort nito habang sila ay nasa flag ceremony. Tumakas ang mga salarin sakay ng ninakaw na police car na natagpuang sunog sa nasabing bayan.

Samantala, Inamin rin ni Cuarteros na tinangka ng mga di-kilalang lalaking naka-motorsiklo na banggain at harangin ang kanilang sasakyan sa Gonzaga. Ngunit bigla na lamang tumakas ang mga salarin habang nagdarasal ang grupo ni Cuarteros at isang malakas na kalabog ang narinig sa bubungan ng kanilang sasakyan.

Isang malaking tipak ng bato ang bumagsak sa ibabaw ng sasakyan, ngunit laking gulat ni Cuarteros ng walang makitang marka o gasgas man lamang sa bubungan.

Sinabi ni Cuarteros na maraming mga nakalinyang krusada ang JMCIM sa lalawigan ng Cagayan at Isabela at iba pang mga lugar sa northern Luzon na kung saan ngayon ay libo-libong miyembro ang nasa likod nito. (Mindanao Examiner)

Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sagupaan sa Lanao Sur, walang humpay
Next: Pambobomba sa Basilan napigil

Related News

PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025
Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines
  • Business
  • National

PH to become $2-T economy by 2050

Desk Editor May 8, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 3

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 4

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 5

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.