Nagwagi bilang Slimmers World Great Bodies 2015 ang indie actress na si Althea Vega. Tinalo ni Althea ang 16 female contestants para sa titulong Ms. Great Bodies. Ang nanalo namang Mr. Great Bodies ay si Jan Dominic Hung.
Magkakaroon ng pagkakataon na i-represent ni Althea ang Pilipinas sa Fitness Universe Championship sa Miami, Florida.
Si Althea nga ang naging paborito sa naturang contest at siya ang nakakuha ng pinakamaraming votes sa Facebook page ng Slimmers World.
Nakilala nga si Althea sa mga indie films tulad ng Walang Kawala, Diablo, Bayang Magiliw, Amor Y Muerte, Of Sinners and Saints at Metro Manila.
Naging malaking hamon nga kay Althea ang pagsali niya sa body fitness contest na ito.
“Because of its physical aspect, Great Bodies is a different challenge for me. But I have been a health aficionado for many years and I know there are people out there who look up to me and are interested to see my perspective on wellness and fitness.”(Abante)
Link: http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/38327/althea-vega-wagi-sa-ms-great-bodies-.html