ZAMBOANGA CITY – Dinakip ng pulisya ang isang 37-anyos na ama sa Zamboanga City matapos itong inreklamo ng dalagitang anak na paulit-ulit umanong hinalay sa loob ng kanilang bahay.
Mismong si Maricor Jimenez, ng Department of Social Welfare and Development, ang naghatid sa 16-anyos na biktima na si Celsa sa himpilan ng pulisya sa Barangay Santa Maria upang maisampa ang reklamo laban sa amang si Antonio, 37.
Nabatid na biyudo itong si Antonio at ayon sa sumbong ng dalagita ay makailang ulit na umano siyang pini-finger ng ama at nilalamas ang dibdib at huling naganap ito kamakalawa. Hindi naman agad mabatid kung ginahasa ba siya ng sariling ama.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang pulisya dahil sa maselang kaso at traumang sinapit ng biktima. Naglakas loob umano itong magtungo sa DSWD upang isumbong ang dinanas sa kamay ng ama. (Mindanao Examiner)
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News