
ZAMBOANGA DEL NORTE – Isang lalaki na lumapastangan sa dalawang anak ng live-in partner nito ang nag-hara kiri o naglaslas ng kanyang sikmura matapos na magsumbong sa pulisya ang ina ng menor-de-edad na biktima nito sa bayan ng Liloy sa Zamboanga del Norte province.
Nabuko ng live-in partner ni Arcenio Martonillas, 31, ang ginawa nitong panghahalay sa mga bata at nagbanta pa ang lalaki na magpapakamatay kung magsusumbong ito sa pulisya.
Subali’t mas nanaig ang awa ng ina sa kanyang mga anak sa unang asawa kaysa kinakasama nito kung kaya’t agad na sumugod sa awtoridad upang isuplong ang kahayupang ginawa ng amain sa mga biktima.
Aarestuhin na sana ng mga parak si Arcenio ng ito’y magkulong sa kuwarto at doon naglaslas ng tiyan.
Isinugod pa ng mga parak ang lalaki sa pagamutan upang masalba ang buhay ngunit patay na ito ng dumating sa ospital. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.