
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / June 16, 2014) – Isang 19-anyos na amasona ng New People’s Army ang sumuko sa militar matapos itong iwan ng mga kasamahan makaraang makasagupa ang mga tropa ng militar sa bayan ng Leon Postigo sa Zamboanga del Norte.
Sinabi kahapon ni Capt. Franco Suelto, ang spokesman ng 1st Infantry Division, na kusang nakipag-ugnayan sa militar si Mary Sadia, alias Ka Lisa, uopang sumuko at dala pa nga umano nito ang kanyang M16 automatic rifle pati na rin ang 5 magazines at isang rifle grenade, ng sumuko kay Lt. Levie Jolly Bulawan, ng 10th Infantry Battalion.
“She revealed that her comrades abandoned her during the firefight with the government troops. Instead of re-joining his comrades, she opted to surrender to rejoin the mainstream society and live a normal and peaceful life with her family,” ani Suelto.
Ayon kay Suelto, inamin umano ni Sadia na grupo niya ang nakasagupa ng mga sundalo sa pangunguna ni Bulawan noon Hunyo 14 sa naturang bayan na kung saan ay isang sundalo a ng sugatan.
Pinuri naman ni Colonel Aminkadra Undug, ang division commander, ang mga sundalo sa pagsukop ni Sadia, at maging ang rebelde ay pinuri rin nito sa kanyang pagbabalik-loob sa pamahalaan. “Her surrender is a proof of our sincerity in promoting peace and we urge other rebels to come and join us and live peacefully with your family,” ani Undug.
Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sailing estado sa bansa. (Al Jacinto)