
SAN FERNANDO CITY (Mindanao Examiner / Jan. 10, 2013) – Patay ang anak ng isang kilalang duktor sa San Fernando City matapos na matagpuan ang naaagnas na bangkay nito sa loob mismo ng kanilang bahay.
Nabatid sa pulisya na may diperensya umano sa pagiisip ang 40-anyos na biktima, ngunit tumanggi naman ang pamilya nito na ilagay sa isang autopsy ang bangkay sa hindi pa mabatid na kadahilanan.
Hindi naman agad malaman sa pamilya kung nagpatiwakal ang biktima o ano ang dahilan ng pagkamatay nito.
Natagpuan ang bangkay ng biktima matapos na umalingasaw ang naagnas na katawan nito.(Francis Soriano)