Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Andal Ampatuan Sr, bilang na ang oras!
  • Featured
  • National

Andal Ampatuan Sr, bilang na ang oras!

Chief Editor July 2, 2015
Si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr noon ito ay nasa pangangalaga pa ng Eastern Mindanao Command sa Davao City. (Mindanao Examiner Photo)
Si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr noon ito ay nasa pangangalaga pa ng Eastern Mindanao Command sa Davao City. (Mindanao Examiner Photo)

‘Atay ng Maguindanao massacre suspek, nilalamon ng cancer’

MANILA – Bilang na umano ang oras ni Maguindanao massacre suspect Andal Ampatuan Sr matapos diumanong makitaan ito ng cancer sa kanyang atay.

Ito ang sinabi ng kanyang abogado matapos na maglabas ng medical certificate ang umano’y doktor ni Andal, na dating gobernador ng Maguindanao, na nagsasabing 3 hanggang 6 na buwan na lamang ang itatagal nito sa mundo.

Kasalukuyang nasa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) si Andal na kung saan ito sinusuri sa kanyang sakit. Nais naman ngayon ng mga kaanak ni Andal na ito’y madalaw sa pagamutan, subali’t kailangan pa umano ng permiso mula sa korte.

Pinagbibintangan na mastermind si Andal sa massacre ng 58 katao, kabilang ang 32 mamamayahag, na sumama sa political caravan ng angkan ng Mangundadatu na kalaban naman nito sa pulitika. Kasama sa naturang kaso ay sina Zaldy Ampatuan, ang dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao; at ang kapatid nitong si Junior Andal, at iba pa.

Nabatid sa kanyang medical certificate na nasa advance stage na ang cancer ni Andal na kilalang malakas manigarilyo.

Ngayon ay nais naman ni Zaldy na magpa-confine at magpasuri sa puso sa Philippine Heart Center na katabi lamang ng NKTI sa Quezon City, at humirit pa itong na bibisita sa amang may sakit. Hindi pa napagde-desisyunan ng korte ang nasabing kahilingan ni Zaldy at ng mga kamag-anakan nitong bumisita kay Andal.

Nakapiit si Zaldy at Junior Ampatuan at iba pang akusado sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City na kung saan ay napa-ulat na may special treatment ang mga ito.

Hindi naman sang-ayon ang marami sa mga kaanak ng mga biktima ng massacre sa kagustuhan nina Zaldy at nanawagan pa sa mga awtoridad na higpitan ang seguridad sa NKTI.

Umani rin ng samut-saring komento sa social media, partikular sa Facebook, ukol sa nalalapit na kamatayan ni Andal at karamihan sa mga ito ay ipinapanalangin na matigok na ang matanda dahil sa mga umano’y kasalanan nito, at ang iba naman ay nagsasabing humaba pa sana ang kanyang buhay upang maghirap at malasap ang pait at pighating dinanas ng mga pamilya ng mga biktima ng karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao noon 2009.

May mga naaawa rin sa sinapit ni Andal at nagsabing dapat ay humingi na ito ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan.

Nitong Mayo lamang ay pinalaya ng korte ang isang anak ni Andal na si Sajid Islam matapos itong magbigay ng piyansa sa halagang P11.6 milyon at halos 5 taon rin itong nakulong. Dinagsa ng mga bisita at supporters ang lalawigan upang salubungin at batiin ito sa kanyang pagbabalik. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Overloaded na lantsa tumaob sa karagatan sa Visayas
Next: ARMM distributes relief packs to 15,000 families in flooded areas in Maguindanao

Related News

Official-Artwork-for-PR2025-14
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

Editor July 1, 2025
Livestock-Aquaculture5
  • National

Innovative Solutions for Sustainable Agri-Fishery: Spotlight on Technology at Livestock and Aquaculture Philippines 2025

Editor June 25, 2025
PCO-SWC1
  • National

PCSO Holds 1st Social Workers Conference to Strengthen Charity Services

Editor June 25, 2025

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.