Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Andal Ampatuan Sr natigok na rin!
  • Featured
  • Mindanao Post

Andal Ampatuan Sr natigok na rin!

Desk Editor July 18, 2015
Si Andal Ampatuan Sr noon ito ay nakapiit pa sa Eastern Mindanao Command sa Davao City. (Mindanao Examiner Photo)
Si Andal Ampatuan Sr noon ito ay nakapiit pa sa Eastern Mindanao Command sa Davao City. (Mindanao Examiner Photo)

 

MAGUINDANAO – Natigok na rin si ex-Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr., matapos itong maulat na inatake sa puso at ma-comatose sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City na kung saan ito isinugod dahil sa liver cancer.

Kinumpirma ng kanyang mga kaanak at abogado ang pagkamatay ni Andal, 74, na siyang itinuturong pangunahing suspek sa massacre ng 58 katao, kabilang ang 32 mamamayahag, noon Nobyembre 2009 sa Maguindanao na kung saan ay sumama ang mga biktima sa political caravan ni Esmael Mangundadatu na kalaban naman ni Andal sa pulitika.

Kasama sa naturang kaso ay sina Zaldy Ampatuan, ang dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao; at ang kapatid nitong si Junior Andal, at iba pa.

Inihatid na sa kanyang lugar sa lalawigan ang bangkay ni Andal. Isinugod ito sa pagamutan nitong Hunyo 5 na kung saan ay tinaningan na ng mga duktor ang buhay nito mula 3 hanggang 6 na buwan.

Nakapiit si Zaldy at Junior Ampatuan at iba pang akusado sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City na kung saan ay napa-ulat na may special treatment ang mga ito.

Umani rin ng samut-saring komento sa social media, partikular sa Facebook, ang kalagayan ni Andal ng ito’y nabubuhay pa. Karamihan sa mga ito ay ipinapanalangin na matigok na ang matanda dahil sa mga umano’y kasalanan nito, at ang iba naman ay nagsasabing humaba pa sana ang kanyang buhay upang maghirap at malasap ang pait at pighating dinanas ng mga pamilya ng mga biktima ng karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao.

May mga naaawa rin sa sinapit ni Andal at nagsabing dapat ay humingi na ito ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Nitong Mayo lamang ay pinalaya ng korte ang isang anak ni Andal na si Sajid Islam matapos itong magbigay ng piyansa sa halagang P11.6 milyon at halos 5 taon rin itong nakulong. Dinagsa ng mga bisita at supporters ang lalawigan upang salubungin at batiin ito sa kanyang pagbabalik. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 5 injured in rebel ambush in Mindanao
Next: Bomb explodes inside bus in Southern Philippines

Related News

ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Desk Editor May 13, 2025
Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road Home-Credit1 3

Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road

May 10, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 4

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 5

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.