
Andi Eigenmann
HINDI ako sure kung this week lang kinunan ang isang eksena sa beach para sa pelikulang Your Place Or Mine na bida sina Andi Eigenmann at Bret Jackson, na base sa Wattpadd na sinulat ni Turning Japanese at dinidirek ni Joel Lamangan.
Sa naturang eksena kasi, naka-2 piece bikini lang si Andi, at base sa picture niya ngayon, seksing-seksi nga ang ex-dyowa ni Jake Ejercito, ha! Eh, ‘di ba, kamakailan lang, tila binabatikos ang katawan ni Andi, na kesyo masyoba nga raw at parang napabayaan ang sarili sa kusina.
Pero sa larawan niyang lumabas nga sa social media, talbog pa ni Andi ang mga dalagang artista ngayon, ha, o mga artistang mas bata sa kanya, dahil oo, kurbada ang alindog ng nanay ni Ellie.
Nagpiyesta nga ang mga netizens/followers ni Andi, at nu’ng tsinek namin kahapon sa FB account niya, umabot na sa kulang-kulang 200,000 ang likes nito, at libo-libo na ang nag-comments at nag-share ng bonggang larawan na ‘yon.
Pero, hindi rin naiwasang mambastos ng mga netizen na wala na talagang magawa.
Na bagama’t karamihan ay pinupuri ang kaseksihan ngayon ni Andi, may mga kumukutya pa rin, na kesyo bakit kailangan niyang ipangalandakan ang katawan niya sa buong mundo, at may mga manyakis pa rin, na gusto pang pagparausan ang picture na ‘yon ni Andi.
Anyway, ang kuwento ng Your Place or Mine? ay tungkol sa one-night stand ng dalawang taong hindi magkakilala, sina Haley at Russel. Ano ang nangyari matapos ang mahabang panahon? (DS – Abante)
Link:http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/24145/andi-waging-wagi-sa-netizens-ang-alindog.html