Nang makausap namin ang Pambansang Bae na si Alden Richards, tinanong namin siya na kung maglu-look back siya dati, especially noong wala pa siya sa showbiz, ano ang nakita niya sa sarili niya o sinong Alden ang nakita niya, at buong ningning na sagot ni Alden, “insecure, walang bilib sa sarili, walang pakialam.”
0 years ago ‘yun at 23 na si Alden ngayon, so that was around 13 years ago. Posibleng totoo nga dahil at that time, mismong ang nabubuhay pa niyang ina noon ang talagang may pangarap para sa kanya na maging artista kaya sabi nga ni Alden, it was his mother’s dream kung anuman ang mga ginagawa niya ngayon.
At 10 years from now, nakikita naman daw ni Alden o gusto naman daw niyang mas secured na siya especially raw sa mga decision making. Mas settled na and who knows, may sariling pamilya na rin.
Sa huling sinabi ni Alden, hindi naman na kami magtataka na mas secured na siya 10 years from now o baka ngayon pa nga lang, sa sipag na ipinapakita niya, ‘di malayong siguro, ‘yung nae-envision niya noon na tipong five years from now, nakukuha na niya in just what, four-five months simula nang magkaroon ng AlDub.
Hindi rin naman nakagugulat kung triple na ang talent fee ni Alden ngayon pagdating sa mga out-of-town o out-of-the-country shows niya na dapat lang naman.
Parang law of supplies and demands ‘yan. Sa rami ng demands sa kanya, tama lang na magpresyo ang management niya ng makakatapat dun.
Anyway, bukod sa malapit ng matapos ang shooting nila ni Maine Mendoza ng My Bebe Love kasama sina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto for MMFF, sobrang fully-booked na rin daw ang schedules ni Alden for the first few months of 2016, lalo naman na ang December.
At karamihan daw sa mga scheds ni Alden ng December ay mga endorsement shoots. So, expect na ‘yung mga naglalabasan ngayong TV commercials and product endorsements ni Alden at maging ni Maine ay madaragdagan pa ng mas marami.
Eh, ‘yung feeling niya, may family of his own na siya, sa pagiging mas lalong sweet ang halatang kumportable na sa isa’t isa nina Maine at Alden ngayon, well, only the two of them can tell, huh!
Remember, may solo movie at soap-opera pa silang pagsasamahan sa GMA-7.(Rose Garcia )
Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/ansabeeeh/38137/ansabeeeh-alden-richards-insecure-.html