COTABATO CITY – Muling binuhay ng militar ang isang anti-terror task force sa Cotabato City dahil sa matinding banta ng mga terorista.
Matatandaang sa Cotabato rin nadakip ang mga miyembro ng Maute group na siyang nasa likod ng madugong pambobomba sa isang night market sa Davao City noon September 2016 na ikinamatay at ikinasugat ng mahigit sa 80.
Ang Task Force Kutawato ay isinailalim sa 603rd Infantry Brigade sa pamumuno ni Colonel Jesus Sarsagat at sakop naman ng 6th Infantry Division ni Major General Arnel dela Vega sa Maguindanao province na kilalang kuta rin ng mga jihadist group at iba pang rebeldeng grupo.
“The task force symbolized intensified activities to promote peace and security in the city guided by good governance and commitment of stakeholders for a peaceful and secured progressive city of Cotabato,” ani Dela Vega.
Sinabi naman ni Sarsagat na pagsisikapan nilang mapanatili ang seguriad sa Cotabato. “The unit will sustain its commitment and mandate among the people of Cotabato City that is to ensure a peaceful, secured and progressive environment,” wika pa nito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper