DAVAO CITY – Patay ang isang architect matapos itong birahin ng hinihinalang hired killer sa Davao City sa Mindanao.
Ayon sa mga ulat, nanagap ang pamamaslang nitong Sabado ng umaga sa kahabaan ng Vinzon Street at nakilala ang biktima na si Jan Fortuna. Nabatid na si Fortuna ay nasa kanyang sasakyan ng bigla itong buksan ng gunman at saka siya binaril ng ilang ulit.
Bagama’t may rumespondeng parak sa naturang insidente ay hindi naman nadakip ang kriminal na hanggang ngayon ay patuloy pa rin pinaghahanap ng pulisya.
Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang o kung may kinalaman ba ito sa kanyang trabaho mo personal na kadahilanan.
Nabawi naman ang mga basyo ng 9mm pistol sa naturang lugar na umano’y ginamit sa pag-utas kay Fortuna. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News