MARAWI CITY – Sa kabila ng kampanya kontra ilegal na droga, patuloy pa rin ang kalakalan nito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at isang babae ang nahulihan ng isang kilo ng shabu sa bayan ng Saguiran sa Lanao del Sur.
Ayon sa ulat ng militar, naharang kamakalawa ng gabi sa checkpoint ang isang kotse na minamaneho ni Raihana Disalo, 23, at kasama pa nito ang isang batang babae na siyang ginamit upang itago ang droga.
Ngunit sa inspeksyon ng mga sundalo ay natagpuan ang droga sa upuan ng batang babae kung kaya’t agad hinuli si Disalo. Kasalukuyang iniimbestigahan si Disalo upang mabatid kung saan nito kinuha ang shabu.
Talamak ang kalakalan ng droga sa Lanao del Sur at Maguindanao na siyang pinagmumulan ng shabu na ibinibenta sa ibat-ibang lalawigan at lungsod sa Mindanao. Ilang mga pulitiko rin sa ARMM ang isinabit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa bentahan ng shabu. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper