
SULU (Mindanao Examiner / May 14, 2013) – Slam dunk, ito ang maaaring itawag sa pagkapanalo sa halalan ng lahat ng gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na sumabak sa halalan.
Landslide lahat ang panalo ng mga ito – Sulu Gov. Sakur, Basilan Gov. Jum Akbar, Tawi-Tawi Gov. Sadikul Sahali at Lanao Sur Gov. Mamintal Adiong. Bitbit rin mga ito si ARMM Gov. Mujiv Hataman na nagpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya.
Sinabi naman ni Tan na nagwagi bilang vice governor, na ang panalo ng ARMM-Team PNoy ay dahil na rin sa kanya-kanyang pagsisikap at mga accomplishments ng bawat isa bilang mga lider ng kanilang lalawigan. Malaki rin umano ang naitulong ng Pangulong Benigno Aquino sa kanilang panalo.
“Nagpapasalamat ako at ng aking pamilya sa lahat ng sumuporta at naniwala sa amin at ipinapangako ko ang lubos na pagsisilbi sa lahat,” ani Tan.
Sa kalapit na Zamboanga City ay landslide rin ang panalo ni Congresswoman Maria Isabelle Climaco bilang bagong mayor. Paborito ng marami si Climaco dahil sa kagalingan at kabaitan nito. (Mindanao Examiner)