DAVAO CITY – Isang sundalo ang sugatan matapos tambangan ngayon araw ng rebeldeng New People’s Army ang isang army patrol sa bayan ng Talaingod sa lalawigan ng Davao del Norte sa silangang Mindanao.
Kinumpirma naman ito sa Midnanao Examiner Regional Newspaper ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, at sinabing miyembro ng 68th Infantry Battalion ang biktima.
“The soldiers of 68th IB have been providing security patrols in the area after continuous report from the villagers on the extortion activities by the NPA bandits,” wika pa ni Caber.
Hindi naman nito ibinigay ang pangalan ng sundalo, subali’t patuloy naman daw ang operasyon ng militar kontra NPA. Nagpapatrulya sa Sitio Bagang ng Barangay Palma Gil ang mga tropa ng sila’y paulanan ng bala.
“Pursuit operations are still on-going as of this reporting,” ani Caber.
Hindi agad mabatid kung may casualties sa panig ng mga rebelde. Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag nito ang sariling estado sa bansa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News