
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / June 27, 2013) – Ikinababahala ngayon ng mga residente at negosyante ang atakeng naganap sa kampo ng Philippine Marines sa sentro mismo ng Cotabato City.
Pinasabugan ng mga di-kilalang salarin ang nasabing kampo sa dating gusali ng City Hall nitong Miyerkoles ng gabi, ngunit wala naman nasugatan o nasawi sa atake.
Subali’t malaki ang pangamba ng publiko dahil posibleng madamay ang mga sibilyan at negosyo sa anumang tangka o karahasan kontra sa marines dahil mismong sa sentro pa ng Cotabato ito nagkakampo ngayon.
Hindi naman mabatid kung sino ang nasa likod ng atake at walang inilabas na pahayag ang pamunuan ng militar ukol sa pagsabog. (Mindanao Examiner)