Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Away ng mag-amang Paolo at Isabelle Duterte, pinagpistahan
  • Featured
  • Mindanao Post

Away ng mag-amang Paolo at Isabelle Duterte, pinagpistahan

Desk Editor December 23, 2017

DAVAO CITY – Pinagpistahan sa social media ang bangayan ng mag-amang Paolo at Isabelle Duterte matapos na kumalat sa Facebook ang away ng dalawa dahil sa umano’y hidwaan.

Si Paolo ang Vice Mayor ng Davao City at anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ukol sa iringan ng dalawa. Pinuna umano ni Paolo ang photo shoot ng anak sa Malakanyang at sa kanyang Facebook post ay tahasan nitong sinabihan ang 17-anyos na anak na umano’y nagpapagamit sa ibang tao.

Sa diyalektong Bisaya, sinabi ni Paolo na hindi nito kayang manahimik sa pinaggagawa ni Isabelle. At kung hindi umano concern ang sariling ina at taytayan ni Isabelle sa kanya ay ibahin umano siya. At kung hindi umano magpapapigil si Isabelle sa kanyang mga pinaggagawa at pagiging pasaway ay mas mabuti pa umanong huwag na lamang nitong gamitin ang apelyidong Duterte.

Hindi umano dahil sikat si Isabelle sa social media at maraming followers ay hindi na ito makikinig sa kanyang ama. Wala rin umanong respeto sa kanya si Isabelle, ani Paolo. Sinabi pa ni Paolo na kung siya ay mamamatay ay magiging masaya na umano si Isabelle dahil wala ng sisita sa kanya sa mga kahihiyan.

Inamin naman ni Paolo na lubhang magbibigay ng hiya sa kanila ang kanyang ginawang post sa Facebook at ang pagiging suwail ng anak sa kanyang sariling ama.

“Dili ingon nga ug IBUGAW KA KADUHA ANANG TAWHANA MUHILOM LANG KO!! Ug kanang imong inahan ug tataytayan way pakialam nimo pwes ako dili! Dili tungod kay DUTERTE ko tungod kay AMAHAN KO!!! Pagkambyo ug apelyido ug gusto ka! Wala na kay respeto! PAKAULAW LANG KA! PAGSKWELA SA LAGI aron d mablanko imong utok. d na ka kabalo maminaw kay SIKAT kuno ka?? SIKAT SA UNSA BELLE? SIKAT MUBASTOS UG AMAHAN??! HULAT SA MAMATAY KO USA KA MALIBRE NAKO! IAMPO DAY!

“Kabalo ko kitang tanan mapahiya aning post na ni. pero kani imong gusto! dri ta magstorya kay millenial kuno ka, dri ra ka maminaw sa imong number of likes?! pwes, wa koy labot ug naa ko sa posisyon o mapahiya ko, ANAK taka! wa koy labot sa uban tao ug mao ra ning kinahanglan aron masayud ka sa imong binuhatan! P.S. FIX YOUR FUCKING LIFE FIRST before i will stop “fucking up” your christmas every year,” ani Paolo sa kanyang Facebook page.

Bumanat rin si Isabelle at sinabi nitong sa kanyang social media account na “ my dad fucks up my Christmas every year. What a time to be alive.”

Sinabi pa ni Isabelle sa ama na hindi dahil may posisyon ito sa Davao ay maari na itong manggulpi at isang bata pa umano ang biktima. Hindi naman malinaw kung sino ang biktimang tinutukoy ni Isabelle, Subalit idiniin nito na walang karapatan ang ama na mankit ng sinuman. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Cyclone ‘Vinta’ ravages Lanao Sur, ARMM mobilizes rescue, relief groups
Next: 100 patay at nawawala sa bagyong ‘Vinta’ sa Zambo

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.