BASILAN – Namahagi ngayon Miyerkoles ng relief aid si Gov. Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa mga residente ng 3 bayan na kung saan ay apektado sila ng patuloy na opensiba ng militar laban sa Abu Sayyaf.
Pinangunahan ni Hataman ang grupo ng ARMM-Humanitarian Emergency Action and Response Team (ARMM-HEART) sa pagbibigay ng ayuda na kinabibilangan ng mga bigas, de-latang pagkain, kape at iba pa sa libo-libong Muslim sa bayan ng Al-Barka, Tipo-Tipo at Ungkaya Pukan.
Sinigurado naman ni Hataman na patuloy rin ang kanilang tulong sa mga internally displaced people at ipinag-utos nito sa mga social workers na tutukan ang pangangailangan ng mga residente habang hindi pa natatapos ang sigalot sa lalawigan.
Kasama ni Hataman ang mga kasapi ng ARMM-HEART na nagmula pa sa Cotabato City na kung saan ay ni-repack ang mga relief goods. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper